top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Monthsary ba itey, Bea? Julia at Gerald, parehong no.3 ang jersrey sa v-ball at b-ball

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

GINANAP na noong Linggo (August 25) sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City ang Star Magic All-Star Games 2019 kung saan nagsama-sama ang pinakamalalaking artista ng ABS-CBN para maglaro at magharap-harap sa sports na volleyball at basketball.

Si Kim Chiu ang nanguna sa volleyball team ng Team Red at si Julia Barretto naman ang sa Team Blue.

Kinabibilangan nina Ysa Jimenez, Dalia Varde, Gillian Vicencio, Yasmyne Suarez, Chienna Filomeno, Vivoree Esclito, Analain Lim, Nikki Valdez and Jia Morado ang Team Red, at sina Carly Hernandez, Arabella del Rosario, Ella San Andres, Aiyana Wag­go­ner, Ashley Colet, Pamu Pamorada, Kat­h­er­ine Gallo, Loisa Andalio at Gretchen Ho naman ang mga miyembro ng Team Blue.

Sa ginanap na volleyball game, wagi ang koponan nina Kim sa score na 25 at lumamang ng apat na puntos kontra sa team ni Julia na nakakuha ng 21 points.

Samantala, pinangunahan naman nina Gerald Anderson at Daniel Padilla ang Team Red kung saan kasama nila sina Kyle Velino, Gerhard Acao, Patrick Su­gui, Joe Vargas, Jose Sarasola, Ronnie Alon­te, Donny Pangilinan, Axel Tores, Young JV Kapunan, Zanjoe Marudo, JC de Vera, Ejay Falcon and Joseph Marco.

Si Vice Ganda ang nanguna sa Team Blue kung saan kasama niya ang mga It’s Showtime co-hosts niyang sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, ex-host na si Billy Crawford, Kuya Escort Ion Perez atbp. Star Magic artists.

Ang team nina Gerald at Daniel ang nagwagi sa basketball category sa score na 119-109 at si Gerald din ang itinanghal na The All-Star Games 2019 MVP (Most Valuable Player).

Pero ang pinakaumagaw ng pansin sa lahat ay ang parehong jersey number na “3” ng kontrobersiyal Kapamilya stars na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Marami tuloy ang humuhula kung ano ang special meaning ng number “3” sa kanilang buhay.

‘Kaloka ang ibang komento ng mga netizens na kaya raw “3” ang jersey number nila ay dahil ito ang monthsary nila o dahil sa “3rd party” na naganap.

Mainit kasing pinag-usapan ang pag­kakasangkot ni Julia sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald, pero sabi nga ng anak ni Marjorie Barretto ay wala siyang inahas at wala siyang sinirang relasyon.

Sa Instagram, ipi­nost ni Marjorie ang video kung saan maki­kitang humalik siya kay Julia sa side court at umani ito ng tanong sa mga netizens kung ano ang ibig sabihin ng “3” sa jersey ng anak.

Paglilinaw naman ng ina ni Julia: “Let me correct this before the story gets big and out of hand again. Number 3 has always been Julia’s jersey number since her high school volleyball varsity days. No special meaning.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page