top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Katropa ng mga adik kaya sirang-sira sa misis at mga anak

ROMA AMOR
Aug 27, 2019
1 min read

Dear Roma,

Tawagin n’yo na lang akong Nestor, 32 years old at may asawa at mga anak. Sumulat ako sa inyo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko para linisin ang pangalan ko sa pamilya ko. May mga barkada akong nasangkot sa paggamit ng iligal na droga, kaya maraming nag-aakalang kasama nila ako dahil tropa ko sila. Kahit napatunayan namang hindi ako sangkot, pakiramdam ko ay nagbago ang ti­ngin sa akin ng misis at mga anak ko. Ano ang gagawin ko? — Nestor

Nestor,

Isa sa pinakaangkop na kasabihan dito ay “tell me who your friends are and I’ll tell you who you are.” Hindi maiaalis sa iba na magduda dahil ikaw na nga ang nagsabi na tropa mo sila. Ito ang ka­sabihang nagpapaalala sa atin na dapat maging maingat din tayo sa mga taong pakikisamahan natin at higit sa lahat, kakaibiganin. Mahirap linisin ang pangalang minsan nang nadungisan pero, kung patutunayan mo ang iyong sarili sa kanila, darating din ang panahong muli ka nilang tatanggapin kung paano ka nila nakilala noon. May katagalan man, magiging okay din ang lahat. Tiwala lang!

God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page