top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

DE LIMA, KAHIT INJURED, GOLD SA BATANG PINOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2019
2 min read

NAMIMILIPIT man sa sakit dahil sa pulikat, nagawa pa ring masungkit ng tinaguriang barefoot runner na si Lheisli De Lima, ang unang gintong medalya sa 800-m athletic event sa Batang Pinoy sa Palawan.

Ayon sa 13-anyos na si De Lima, inaalay niya ang kanyang panalo sa kanyang ama na isang magsasaka na nagpunyagi umano para sila’y maitaguyod at mapag-aral.

Inamin ni De Lima, Grade 9 at honor student ng Baao High School sa Camarines Sur, na maraming school na ang nakipag-usap sa kanyang mga magulang at coach na si Rolando Merencillo upang doon na siya mag-aral upang maging iskolar. Isa na rito ang UST at National University kung saan target niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Samantala, gold din ang nasungkit sa 800-m run na may oras na 02:04 minuto ng pambato ng Luzon sa Athletics sa boys division na si James Bryle Ballester na nagmula sa Laguna province.

Sa swimming agad na kinopo ni Tom Aubrey na nasa ilalim ng pangangalaga ng FINA ang tatlong gintong medalya sa tatlong girls swimming events habang nagbulsa rin ng gold si Lora Micah Amoguis. Ang dalawang swimming champ ay pambato ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Sa discuss event girls division, gold ang nasungkit ni Kate Julienne Martinez, habang sina Shaula Fernelli Santiago ng Cebu at Janine Ledina ng Zambales ang sumungkit ng silver at bronze ayon sa pagkakasunod sunod habang sa boy’s division nanalasa si Ron Gabriel Villa ng Dasmariñas, Cavite.

Nagwagi rin sa boy’s volleyball ang koponan mula sa Zamboanga, Sta. Rosa, Laguna, Angeles City, Davao Del Norte at Tanauan Batangas. Ikinatuwa ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na matahimik at maayos ang seguridad sa Batang Pinoy. Bukas marami pang medalya ang paglalabanan ng mga pambato ng iba’t ibang paaralan na dumayo sa Puerto Princesa upang ipakita ang kanilang angking husay sa sports. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page