top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Cibac Rep. Villanueva: 'wag ding kalimutan ang karapatan ng kababaihan

Thea Janica Teh
Aug 27, 2019
2 min read

Bulgarific

CR para sa mga babae

HELLO, Bulgarians! Ilang araw nang laman ng balita at social media ang tungkol kay Gretchen Diez na isang transwoman na pinalabas sa CR sa isang mall sa Cubao, QC. Wika ni Deputy Speaker at Cibac Partylist Bro. Eddie Villanueva, “Huwag nating kalilimutan ang karapatan ng kababaihan.”

Dagdag pa niya, nakalulungkot na ang LGBT community na bahagi na ng ating society ay humihingi ng karapatan sa paggamit ng public ladies comfort room.

“Ilang dekada nang nakasanayan ng mga kababaihan na ang kanilang rest room ay exclusive para sa kanila at karamihan ay hindi komportable kung may transwomen na gagamit nito. Sana ay igalang ng lahat ang kababaihan. Huwag ipilit ng sinuman na sa tingin nila, may karapatan sila sa paggamit ng women’s toilet pero tatapakan ang kinagisnang karapatan ng kababaihan. Adding emotions to the controversial occurrence is not helpful in providing context not only to the pending SOGIE Bill, but also to the concerns of both the LGBT and Non-LGBT rights proponents in the country.”

Ipinaliwanag ni Villanueva na hihintayin nito ang desisyon ng official Congressional hearing at deliberation tungkol sa SOGIE Bill para maihatid ng Cibac ang kanilang concern sa bill na ito.

Bukod dito, ipinahayag din ni Villanueva na siya ay fully democrat at kung anuman ang mapagdesisyunan ng Kongreso tungkol sa SOGIE Bill ay kanilang papanigan ngunit, dalawa lang ang importante rito, ang kinagisnan ng mga Pinoy sa kanilang kultura at relihiyon na nakasaad sa Bible.

“It is the height of arrogance to take God out of the picture. The Preamble to our Constitution appropriately implores His help in building up a Philippines that is ‘just and humane,’ fully enjoying the fruits of real democracy. Freedom from discrimination is a worthy pursuit. But in pursuing such, no sector must consequently be discriminated against,” bahagi ni Villanueva.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page