PARAK SUGATAN SA AKSIDENTE
CAMARINES SUR—Sugatan ang isang pulis nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bulawan, Sr., Lupi.
Nakilala ang biktima na si Pat. Mark Anthony Madrona, nakatalaga sa Camarines Sur Police Office.
Nabatid na habang minamaneho ni Madrona ang kanyang motorsiklo ay aksidenteng nabangga ito ng jeep na minamaneho naman ni Jay Rosales, nakatira sa nasabing lalawigan.
Ginagamot na ngayon sa ospital si Madrona, samantalang nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in physical injury si Rosales.





Comments