Horoscope | Agosto 26, 2019 (Lunes)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 26, 2019 (Lunes): Nakatakda kang makarating sa malalayong lupain. Huwag kang magtaka kapag iniwanan mo ang bayang iyong sinilangan para hanapin ang iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang binigyan ng mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito kung paano ka aaseno. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-29-30-35-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang pagkakataon mo para lumabas ka sa iyong lungga. Ibig sabihin, simulan mo nang tahakin ang landas ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-19-21-25-34.
GEMINI (May 21- June 20) - Nakatutuwa ang takbo ng buhay mo ngayon dahil kung anu-ano ang iyong gagawin at kung saan-saan ka makararating, pero sa huli, mukhang hindi ka naman nakaabante. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-23-27-30-31.
CANCER (June 21- July 22) - Muli kang itutulak ng iyong mga pangarap. Oo, ikaw ay itutulak dahil aminin mo man o hindi, madalas ay tinatalo ka ng pag-aalinlangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-16-29-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang maghangad. Ang totoo, ang masama ay ang walang pangarap. Dito sa mundo, ang walang kabuhayan ay malalagay sa ibaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-22-26-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mayaman ka sa magagandang ideya, pero kapos ka sa kilos. Ngayong alam mo na ang iyong kakulangan, ano pa ang iyong hinihintay? Kumilos ka, ngayon na! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-25-26-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili, itago mo ang iyong mga kapintasan at huwag mong hayaang lumitaw. Ito ay para hindi masayang ang nagdaratingang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-24-34-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang nagagalit. Masisira ang kanyang kapalaran, kaya balewalain mo lang ang kanyang nararamdaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-14-23-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malayo ang iyong mararating, ang iyong mga kasabayan at karibal ay maiiwanan mo nang milya-milya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-13-22-28-35-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalakas ang loob mo kaya susuungin mo ang mga panganib na nakaharang sa landas ng iyong buhay papunta sa iyong tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-21-26-27-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paikut-ikot at galaw ka nang galaw, pero hindi magbabago ang iyong kalagayan. Para malabanan mo ito, magpokus ka sa mga bagay gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-12-21-27-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ay araw mo! Ang maraming bukas ay iyo pa rin. Pagkakataon na para ipamalas mo sa mundo ang iyong galing, husay at talino. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-27-28-30-32.




Comments