top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

GIYERA ANG GAME 2 FINALS NG HD AT CARGO MOVERS

  • MC
  • Aug 26, 2019
  • 2 min read

YUMUKO man ang Cignal HD Spikers sa F2 Logistics noong Game 1, pero hindi lumamya ang kanilang kampanya, pakay nila ang makabawi at makapatas sa Game 2 ng Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three finals showdown sa bisa ng impresibong laro. Ayon kay HD Spikers head coach Edgar Barroga, nanatiling mataas ang kanilang kumpiyansa sa kabila ng unang pagkatalo sa Game 1 finals, 22-25, 24-26, 25-18, 25-17, 8-15 kontra sa Cargo Movers na idinaos sa Smart Araneta Coliseum, Sabado ng gabi.

Ayon kay Barroga, ang Game 2 sa Martes sa Mall of Asia Arena ay inaasahang isang malaking giyera dahil determinado silang gulatin ang Cargo tulad ng kanilang nagawa noon sa reigning champion Petron Blaze Spikers sa semifinals.

“We’re definitely more confident now. We’re more eager to take Game 2,” ayon kay Barroga kasunod ng kanilang pagkatalo sa opening ng finals ng prestihiyosong women’s club league. “After the match, we realized that we can compete with them at a higher level, which definitely boosted our confidence.” Sa Game 1, nagbabaga ang mga mata ng Cignal sa paglalaro. Sa kabila ng pagkatalo sa unang dalawang sets sa gabuhok na margin, nagbalik ang lakas ng HD Spikers sa 3rd at 4th set upang tuldukan na sa panalo ang laro sa harap ng dumadagundong na fans sa Big Dome.

Pero pumalag ang F2 Logistics na maging biktima ng Cignal. Inakay ni Fil-Am spiker Kalei Mau ang Cargo sa maagang 9-4 na lamang bago nakaiskor sina Ara Galang at Desiree Cheng ng 13-6.

Nakapagdeliber si Cheng ng set point bago umiskor si Majoy Baron ng block at ibigay sa Cargo ang panalo na tila naamoy na ang titulo makaraang matalo sa Petron Blaze Spikers sa nakaraang dalawang taon. “It’s still a good motivation for us that we were able to extend the game to five sets. It shows that we can compete with them at a higher level,” ayon kay skipper Rachel Anne Daquis. “We may have lost the match, but we still gained a lot of important lessons that we can use in our next game.”

Ginawa raw lahat ang makakaya ng tropa ayon kay Daquis upang makarating sa finals. Tiyak na ngipin sa ngipin at mata sa mata ang susunod nilang pagtutuos. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page