Ganda problems, mga sis! SUPER-DAMING MANLILIGAW PERO TAKOT MAMBASTED

Dear Roma, Ako si Nathalia, 20 years old. Alam ninyo, nahihirapan na ako, hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero marami kasing naa-attract sa akin sa eskuwelahan namin. Nahihirapan akong magtapat sa tao, lalo na kung ayoko sa kanya. Siyempre, alam kong masakit din para sa iba at hindi ganu’n kadaling tumanggap ng rejection. Ano ang dapat kong gawin para hindi nila i-take na ganu’n kabigat kung sakali mang ma-basted sila? Wala pa kasi talaga sa bokabularyo ko ang mag-BF — Nathalia
Nathalia, Naku, sis, “ganda problems” ang tawag diyan! Minsan, mahirap talagang i-reject ang tao, lalo na kung alam mong didibdibin niya, pero mas makabubuti kung sasabihin mo na sa kanya o kanila nang mas maaga para hindi na rin sila magsayang ng panahon at effort, pero, make sure lang na sa tamang timing mo ‘yun gagawin para hindi maging sobrang sakit para sa kanila. Makabubuti rin kung hindi ka magpapakita ng motibo sa kanila para hindi na sila magtangka pang umamin sa iyo ng damdamin nila. Kung kinakailangan ay idistansiya mo ang iyong sarili sa kanila. Kung talagang gusto ka nila, dapat nilang maunawaan ang mga priority mo sa buhay. ‘Yun lang! God bless you!





Comments