BIGTIME TULAK TIKLO SA DRUG-BUST
CEBU CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Pasil.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito upang madakip pa ang ibang kasamahan nito sa sindikato ng iligal na droga sa naturang lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments