Singer, kaya naglayas… MORISSETTE, SINAMPAL NG PADIR DAHIL SA BF

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NILINAW na ng isang source ang recent issue sa singer na si Morissette Amon tungkol sa sunud-sunod na patutsada ng ama nito sa Twitter.
Hindi man tuwirang pinangalanan ng ama si Morissette, pero kapansin-pansin na ang pinapatamaan nito ay ang BF ng singer na si Dave Lamar na kasabayan ng anak sa The Voice of the Philippines Season 1 noong 2010 dahil sa screenshot ng litrato ni Dave na kasama sa kanyang Twitter thread.
Ayon sa inilabas na balita ng PEP.ph, itinanggi ng source ang kumakalat na balitang umalis si Morissette sa poder ng kanyang pamilya at nakipag-live-in sa boyfriend niya.
Nilinaw din na nakatira ngayon si Morissette simula noong March, 2019 sa bahay ni Audie Gemora, ang president ng Stages na talent management na co-manager ng kanyang singing career, kaya hindi totoo ang balitang sumama siya sa bahay ng BF.
Hindi na raw kasi kinaya ni Morissette ang sobra-sobrang “pagbabawal” at “paghihigpit” sa kanya ng ama, partikular na sa pakikipagrelasyon kay Dave.
Sinubukan naman daw ng magkasintahan na mag-effort sa pamilya ni Morissette pero hindi raw ito umubra dahil ang feeling ng ama ng singer ay starlet si Dave at nakikisakay lang sa established nang career ng nobya.
Hanggang sa umabot na diumano sa nagkapisikalan na ang mag-ama dahil nasampal daw si Morissette.
Isa rin sa maiinit na parinig ng ama ng singer ay ang biglaang pagpapatigil ni Morissette sa pagpapatayo ng bahay ng kanilang pamilya.
Tweet ng ama ni Morissette, “So the bank informed us that David’s uncle asked to stop HER construction.
“Looks to me suggesting breach of contract, penalties, fees, and most of all, bad bank record.
“OK lang sana kung hindi Siya or HER name ang mag-suffer.
“These are the people who guide her now btw...”
Pero ayon sa source ng PEP.ph, nag-iwan si Morissette ng P20 million to P30 million na savings sa bangko kaya hindi puwedeng sabihin ng ama na bigla na lang silang tinalikuran ng anak dahil puwede nang gamitin ang iniwang pera sa pagpapatayo ng bahay.
Ayon pa sa source, nagga-Grab lang ang singer dahil gamit ng ama ang kotse niya.
Well, kung ano man ang away na namamagitan kay Morissette at sa ama nito, sana ay maayos na dahil ang career lang ng singer ang naaapektuhan.
‘Yun na!





Comments