top of page

Nagsusuot ng salamin sa panaginip, marami pang hindi alam sa mundo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jherlyn ng Dulay_Jherlyn@face-book.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng salamin sa mga mata? Sa panaginip ko, nang isinuot ko ito, eh, lumabo ang paningin ko. Naghihintay, Jherlyn

Sa iyo, Jherlyn,

Nilagyan ng mga kamay ang tao para magawa niya ang gusto niyang gawin. May mga paa siya para marating niya ang kanyang gustong marating. May ulo, ilong, mga tainga at mata ang tao para magamit niya ito habang siya ay nabubuhay sa mundo.

Pero, hindi sapat ang mga ito para malaman kung ano ang tama o tunay na larawan ng mga bagay-bagay.

Ibig sabihin, sa biglang tingin lang kumpleto ang tao. Kumbaga, may mga kailangan pa siya para gumanda ang buhay niya at hindi siya maligaw at madaya. At higit sa lahat, para mapunan ang kanyang mga kakulangan.

Ayon sa panaginip, hindi sapat ang iyong mga mata para makita mo nang maayos ang bagay na iyong pinapangarap. Kaya sa panaginip, isinuot mo ang salamin na sinisimbolo ng mga kaibigan, tagapayo, nakatataas, maalam at may karanasan.

Dahil dito, ayon sa panaginip, huwag kang mahiyang magtanong sa mga taong nabanggit nang sa gayun ay makita mo nang husto ang mga dapat mong makita.

Huwag ka ring tumulad sa mga taong nagyayabang dahil magulo ang kanilang pananaw sa buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page