Karera para sa Batanes
- Ding Taboy
- Aug 25, 2019
- 2 min read

HAHATAW ngayong hapon ang pakarera para sa mga biktima ng lindol sa lalawigan ng Batanes kasabay ng carry over sa Winner-Take-All sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Sa pamamagitan ng Philracom na siyang nag-isponsor ng Charity Races para sa benepisyo ng Province of Batanes na nilindol kamakailan.
Sa pamamagitan ng Philippine Foundation For Health and Development, Inc. inihahandog ang Philracom Rating Based handicapping System Race na may 12 karera.
Sa Race 1,unang magaganap ang 1st pick 6 at ipinapatok ang Greatwall habang ang H-way One ay may tsamba. Sa Race 2, magsisimula ang WTA carry over na mahigit na P1.6-M at nakalalamang ang Suberbia at may laban ang Fort Mckinley.
Sa Race 3, ang Philracom Sponsored Charity Race at pinapaboran ang Legionaire at Fire Bull na maglalaban sa unahan para sa 1st pick 5. Magaganap ang 2nd WTA sa Race 4 at pinagpipilian ang mga kalahok na Morning Time, couple entry na Go Abbey Go at Grandox, couple entry na Minotaur at Primadonna at Windy Star.
Sa Race 5, magsisimula ang pick 5, ipinapatok ang Manila Bay habang panegundo ang Wings In My Feet, habang magsisimula ang 3rd WTA sa Race 6 kung saan magkakalaban ang Early Bird, Universe, Magic Blast at Pax Britannica. Sa Race 7, ang 2nd pick 6 kung saan magkakalaban ang December Eighteen at Race 8 simula ng pick 5, ipinapatok ang couple entry na Faithfully at Gunga Din habang may tsamba ang Richelle’s Gift.
Ipinapato ang The Believer habang makakalaban ang Double Sunrise na simula ng Pick 4 habang ipinapatok ang Goldsmith, habang ang may kalahok na Weemissjerre, Hot And Spicy ay Wild Wild West ang posibleng tumalo sa Race 10.
Sa Race 11, napipisil ng San Rafael at Jacobo’s Magic baka umulit habang ang Hardliner ay napipiling liyamado habang sa Race 12 pinagpipilian ang mga kalahok na Big Big Brown at Alezzandro ang maglalaban ng mahigpit. Tip Ni Mang Ding
Race 1-Greatwall (5) Hiway One (1) Race 2-Fort Mckinley (4) Suberbia (3) Race 3-Fire Bull (6) Legionaire (10) Race 4-Morning Time (4) Entry No.9 Race 5-Manila Bay(11) Wing In My Feet (1) Race 6-Early Bird(1) Universe (3) Magic Blast (5).





Comments