PUSHER DEDBOL SA SHOOTOUT
Pabs Hernandez III
Aug 24, 2019
1 min read
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ilayang Iyam, Lucena City.
Ang suspek ay nakilalang si Robert Jhon Fulgar, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Fulgar, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments