top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagbabalik ng Nakalipas Ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24, 2019
1 min read

Lubos na kasiyahan sa hiram na oras, istorya ng buhay ay lubos nang kumupas.

Larawa’y kay tagal nang hindi nasisilayan.

Tila ika’y abala kaya nalimot na ang tagpuan.

Maliit at maiksing usapan ay hindi magawa.

Ihip ng hangi’y nagbago, ika’y nagsawa.

Napakaraming guwardiya na humaharang, ngunit, narito pa rin at sa iyo’y nag-aabang.

Wala nang ibang magawa kundi magsisi kalayaang hiniling, kapalit pala’y hapdi.

Kung noon sana, napagtanto iyong halaga, ngayon, ika’y salitang tila talinghaga.

Nais balikan ang alaala ng ating kahapon, ngunit, ‘di na puwede pa sa puso’y lumalason.

Kung ang iyong pintuan ay nabalot na ng kadena, mag­­-hihintay na iyong binta-na’y buksan ng tadhana.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page