Oks ding pampaganda ng buhok at pantanggal ng balakubak... MANGGA, NAKAGAGAMOT NG DIABETES, KIDNEY A


MAHIRAP ma-achieve ang maganda at healthy na buhok. Karamihan sa atin, kung anu-anong kemikal ang inilalagay para lang mapaganda ang buhok. Sabi nila, nagre-reflect sa looks ang mga kinakain natin at siyempre, kabilang din ang kalusugan ng buhok du’n.
Ayon kina Susan Curtis, Tipper Lewis at Fiona Waring ng Get the Gloss Health and Beauty, puwedeng-puwede nang ma-achieve ang maganda at healthy na buhok sa pamamagitan ng pagkain ng mangga! Nabusog ka na, gumanda ka pa, o ‘di ba, bongga?
Ang mangga ay may taglay na protein, silica, Vitamins A, B6, C, E at K, folate, copper, calcium, thiamin, riboflavin, niacin, choline, iron, phosphorus, sodium, zinc, copper, selenium, fiber at potassium na ayon sa experts ng Seriously Natural, perfect para sa scalp at pag-moisturize ng buhok.
Ang collagen-building Vitamin C katuwang ang Vitamin A ng mangga ay makatutulong para sa mabilis na pagpapatubo ng buhok at pag-repair ng damages nito. Sabi rin ng senior content writer ng StyleCraze na si Ravi Tela Tadimalla, nakagagamot din ito ng dandruff, astig ‘di ba?
Bukod sa pagpapaganda ng buhok, sey ni Sarika Rana ng NDTV Food, may super powers din ang mangga para mapababa ang cholesterol level ng ating katawan, nakapagpe-prevent ng night-blindness, dry eyes at asthma, mabisa ring panlaban sa colon at liver cancer, nakagagamot ng diabetes, anemia at kidney stones, gayundin, nakapagpapabuti ng digestion.
Ayon din sa Oklahoma State University, nakapagpe-prevent din ito ng heart disease.
Samantala, sa ginawang pag-aaral ng Pomona College, napag-alamang nakapagbu-boost din ito ng bone health.
Now we know, mga ‘tol! Kaya make sure na isasama natin sa ating diyeta ang pagkain ng mangga, okay?





Comments