KathNiel movie, pinalitan na sa trono… HLG NINA KATHRYN AT ALDEN, HALOS P1 BILLION NA!
- BULGAR

- Aug 24, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Malapit nang umabot sa P1 billion ang gross ng Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema kung ibabatay sa interview kay Direk Cathy Garcia, kung saan binanggit nitong “HLG is close to being the highest grossing Filipino film of all time.”
Ano pa ba ang ibig sabihin ni Direk Cathy kundi malapit nang mag-P1B ang gross ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Nag-post din ang KapamilyaTfc ng “Find out why this movie is now close to earning a record-breaking 1 billion pesos.”
Kung hindi siguro na-pirate ang HLG na pati sa bus ay napapanood, baka umabot na sa P1 billion ang gross nito. Ang daming kumalat na pirated copies at HD pa, kaya nagpatulong ang Optical Media Board (OMB) sa PNP Anti-Cybercrime Group na mahuli ang source at nagpakalat ng pirated copy.
Marami ang natutuwa sa balitang aabot sa P1 billion ang gross ng HLG dahil first time na may local film na ganito kalaki ang kita.
Hindi maiwasang malungkot ang KathNiel fans nina Kathryn at Daniel Padilla dahil madi-dislodge ang The Hows of Us sa number one slot at ang HLG na nga ang first Filipino movie na kumita ng P1 billion.





Comments