Gusto maka-sure kung ka-compatible ang bf bago mamanhikan

Dear Maestro, May boyfriend ako ngayon na isinilang noong January 17, 1994 habang September 4, 1995 naman ang birthday ko. Dalawang taon na kami ng BF ko at niyayaya na niya akong magpakasal. Ang gusto ng mga magulang ko ay mamanhikan muna sila at payag naman daw siya, pero ang iniisip ko ay kung compatible ba talaga kami ng boyfriend ko? Kung sakaling kami na ang magkakatuluyan, panghabambuhay na kaya ang aming relasyon at magiging maunlad kaya ang itatayo naming pamilya? Umaasa, Lailannie ng San Felipe, Llanera, Nueva Ecija Dear Lailannie, Ayon sa Western Astrology, ang zodiac sign mong Virgo at zodiac sign na Capricorn ng boyfriend mo ay may iisang elementong tinataglay at ito ay ang elementong earth o lupa na nangangahulugang compatible talaga kayo.
Sa pag-aanalisang pang-Numerology ay halos ganundin kung saan ang birth date mong 4 ay tugma rin sa birth date na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ng boyfriend mo dahil ang 4 at 8 ay kapwa nagtataglay ng planetang Uranus-Saturno na sadyang bagay na bagay talaga sa isa’t isa.
Sa madaling salita, hindi mo na mapipigil pa ang kapalaran sapagkat kahit hindi ka pa sigurado, magaganap ang binabalak ng boyfriend mo na pamamanhikan sa susunod na taong 2020 upang pagsapit ng taong ‘yun, sa edad mong 25 at 26 naman ang boyfriend mo, may simple, ngunit, maligayang pag-aasawang itatala sa iyong kapalaran.




Comments