top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bilyun-bilyong budget sa edukasyon, gamitin nang tama

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24, 2019
1 min read

NAGSIMULA na ang budget hearing kaugnay sa panukalang P4.1 trillion 2020 National Budget.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee, P673 bilyon sa panukalang budget ay para sa edukasyon kung saan P551.7 bilyon ang ilalaan sa Department of Education (DepEd); P68.5 bilyon ang mapupunta sa State Universities and Colleges (SUCs); P40.8 bilyon ang sa Commission on Higher Education (CHED), habang ang natitirang P12 bilyon ay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa kabuuang budget, P109.3 bilyon ang para sa tertiary education kung saan P35.4 bilyon naman ang ilalaan sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Program.

Ito ay pantustos sa mga estudyanteng naka-enroll sa mga SUC, Local Universities and Colleges at Higher Education Institution.

Sa budget na inilaan sa DepEd, P20 bilyon ang gagamitin sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, P4.8 bilyon ang pambili ng mga upuan, P6.5 bilyon para sa pagsasaayos ng mga paaralan at P2 bilyon sa pagpapailaw sa mga iskul.

Samantala, P1.5 bilyon naman ang para sa paaralan sa ilalim ng DepEd na nasa malalayong lugar at apektado ng mga armed-conflict.

May P12.6 bilyon namang nakalaan sa pagbili ng learning resources at P9 bilyon para sa computerization program.

Bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan at malayo ang mararating nito — mula sa lungsod hanggang sa mga liblib na lugar.

Marami rin ang makikinabang na mag-aaral at magiginhawahang pamilya.

Sana, tiyakin lang na hindi ito ‘maligaw’ o masayang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page