top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BF na produ ng aktres, kalat nang lubog sa utang… DIMPLES, NAGSALITA NA SA TAGILID NA KASALANG ANGEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa mga tagahanga ni Angel Locsin ang nabahala sa cryptic post ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account tungkol sa loyalty.

Sa mensaheng: “My loyalty kept me in some situations that my common should’ve taken me out,” espekulasyon ng marami ay maaaring may kinalaman ito sa showbiz career ni Angel o baka sa nalalapit na pagpa­pakasal niya sa fiance na si Neil Arce at baka raw walang kasalang maganap.

Bilang pinakamalapit na kaibigan ng The General’s Daughter lead actress, agad na tinanong si Dimples Romana tungkol dito sa launching niya bilang endorser ng Skin Magical, Gandang Palaban.

‘Di man aware tungkol sa cryptic post ng kaibigan, ipinaliwanag sa amin ng Kadenang Ginto actress na bilang isang real-life hero si Angel, madalas daw na ang mga posts nito ay ‘di patungkol sa sarili kundi sa kanyang mga followers na maa­aring may pinagdaraanan sa buhay.

Siniguro rin sa amin ng aktres na maayos ang kaibigan at ang relasyon nito kay Neil. Kuwento nga sa amin ni Dimples ay kasama pa ni An­gel si Neil nang mag-cameo ito sa Kadenang Ginto.

Tiniyak din ng aktres na tuloy na tuloy ang kasalang Angel-Neil. ‘Di man makapag­bigay ng detalye ay siniguro rin ni Dimples na magiging isa itong “magical moment” dahil nakita niya kung gaano kamahal, ini-spoil at inaalagaan ni Neil ang kaibigan.

Nahingan din ng reaksiyon si Dimples hinggil sa bali-balitang baon daw sa utang si Neil dahil marami sa mga ipinrodyus nitong pelikula ay hindi bumalik ang puhunan. Hindi rin alam ni Dimples ang tungkol sa nasabing isyu, pero sinabi niyang hindi siya naniniwala sa nasabing balita. Papuri nga ni Dimples kay Neil ay isa itong matuwid at mabuting tao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page