Aktor, todo-emote ngayong hiwalay na… BAHAY NINA JOHN LLOYD AT ELLEN, HINDI NA TINAPOS


KAAAWAAN ba si John Lloyd Cruz sa sinapit ng kanyang personal na buhay o hahayaan na lang na hanapin ng aktor kung ano ang gusto niyang buhay at landas na tatahakin?
Hindi naman siya hikahos financially, may mga naipundar pa rin naman siyang kabuhayan at hindi ito naubos kahit na halos tatlong taon siyang in-active sa showbiz at tinalikuran ang kanyang career.
May pamilya at mga kaibigan naman si JLC na handang tumulong at magbigay sa kanya ng moral support. Hinihintay lang ng mga ito na magparamdam at magsabi sa kanila si Lloydie. Maraming handang dumamay at tumulong kay John Lloyd Cruz.
Hot item pa rin ang magaling na drama actor ng ABS-CBN. Marami pa rin ang interesadong malaman ang mga kaganapan sa kanyang buhay. Parang nobela ang buhay niya na sinusubaybayan ng publiko bawat kabanata.
Maging ang mga ipino-post niyang mga hugot with matching background music ay pinagkakainteresan ng publiko. Binibigyan ng kulay ang bawat emote niya sa kanyang IG post.
May mga nagtatanong kung ano raw ba ang kahulugan ng isang unfinished house na may caption na “Nosi balasi” o sino ba sila? Ito ba ang ipinatatayo sanang “dream house” nina Ellen at Lloydie na hindi na itinuloy dahil may problema na ang kanilang relasyon?
lang ay pinaghahandaan na niya nang husto at magwo-workshop siya upang hindi mapahiya sa mga pangarap niyang leading ladies.
Bihasa rin sa hosting si Matteo San Juan at pangarap niyang maging total performer.





Comments