top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Wildfire sa Amazon rainforest, ikinabahala ng buong mundo

Jersey Sanchez
Aug 23, 2019
1 min read

Ikinaalarma ngayon ng mga mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang malawakang wildfire sa Amazon, ang pinakamalaking rainforest sa buong mundo.

Batay sa ulat ng National Institute for Space and Research, 84% ang naging pagtaas sa bilang ng sunog sa naturang kagubatan ngayong taon kumpara noong 2018.

Mula noong Enero, 72,000 sunog ang naitala sa Amazon.

Gamit ang #PrayforAmazonia sa Twitter, nakatanggap ng batikos ang environmental policies ni Brazilian President Jair Bolsonaro.

Ang sunog ay naganap sa gitna ng pagsibak ni Bolsonaro sa direktor ng space agency dahil sa deforestation data na inilabas nito.

Gayundin, sinisisi ng conservationists ang presidente sa kinahinatnan ng Amazon dahil sa umano’y paghimok nito sa illegal loggers at magsasaka na makalbo ang kagubatan.

Mayroong mahalagang papel ang Amazon sa mundo bilang carbon store at pinababagal nito ang paglala ng global warming habang ito ang tahanan ng higit tatlong milyong species ng hayop at halaman, gayundin ng isang milyong indigenous people.

Nagdeklara na ng state of emergency ang pinakamalaking state sa Brazil dahil sa sunog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page