NAKABIGTING BANGKAY NG LOLO NATAGPUAN
Pabs Hernandez III
Aug 23, 2019
1 min read
BOHOL—Isang bangkay ng 80-anyos na lolo ang natagpuang nakabigti sa puno ng niyog kamakalawa sa Bgy. Badiang, Sikatuna.
Ang biktima ay nakilalang si Agapito Calimpusan, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na isa sa mga apo ni Calimpusan ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa naturang lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung nagpakamatay o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.





Comments