top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga miyembro ng SSS, maaari nang makakuha ng unemployment benefit

Thea Janica Teh
Aug 23, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Maaari nang mag-apply ng unemployment o involuntary separation benefit ang mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ito ay isa sa mga bagong probisyon sa ilalim ng Batas Republika 11199 o Social Security Act of 2018 at ang ikapitong benepisyo ng SSS. Ang sinumang mag-a-apply dito ay makatatanggap ng cash benefit sa loob ng dalawang buwan na katumbas ng kalahati ng kanilang average monthly salary credit (MSC).

Ibinahagi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na sa pamamagitan ng bagong benepisyong ito, hindi lang ang mga empleyadong miyembro ng SSS ang mabibigyan ng karagdagang social security protection kundi pati na rin ang mga kasambahay at Overseas Filipino Worker (OFWs).

Layunin din ng unemployment insurance o involuntary separation benefit na makapagbigay sa mga miyembrong hindi inaasahan na mawalan ng trabaho para pansamantalang masuportahan ang kanilang sarili at pamilya.

Ayon sa SSS Circular No. 2019-11 na inilabas ngayong buwan, para maging kuwalipikado sa benepisyong ito, kinakailangang ang covered employee ay hindi lalagpas sa edad 60 sa panahon na siya ay hindi inaasahang mawalan ng trabaho. Para naman sa underground at surface mineworker at racehorse jockey members ay hindi dapat higit sa edad 50 at 55.

Bukod pa rito, kinakailangan din na ang miyembro ay nakapaghulog ng kontribusyon na hindi bababa sa 36 buwan kung saan ang 12 buwan ay dapat nahulugan sa loob ng 18 buwan bago ang buwan ng pagkawala ng trabaho. Kinakailangan din na walang nakuh, ang unemployment benefit sa nakalipas na 3 taon bago ang araw na mawalan ng trabaho.

Hindi lang ‘yan, kinakailangan din na ang dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ay hindi dahil sa kamalian o kapabayaan ng empleyado ngunit hindi limitado sa paglalagay ng mga aparato upang makatipid sa manggagawa, pagkalabis sa manggagawa, pagbabawas ng manggagawa, pagsasara o pagtigil ng operasyon at pagkakasakit. Isang beses lamang sa isang taon maaaring makakuha ng ganitong benepisyo.

Ang mga aplikante ay kinakailangang magpasa ng mga papeles tulad ng original o kopya ng valid ID, dokumento o dalawang IDs o dokumento na parehong may pirma at ang isa ay may litrato. Kailangan din ng sertipikong magpapatunay ng dahilan at araw ng pagkatanggal sa trabaho na inilalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng mga tanggapan sa mga rehiyon o sa Philippine Overseas Labor Offices (POLO). Kalakip nito ang Notice of Termination mula sa Employer o Affidavit of Termination of Employment.

Ito ay maaaring ipasa sa pinakamalapit na SSS branch at paalala na kailangan itong ipasa sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pagkawalan ng trabaho. Kasama na sa benepisyong ito ang mga miyembrong nawalan ng trabaho noong March 5, 2019.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page