top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ay, ay, ay! Walang pag-ibig? SEXY STAR, INOSENTE KUNO PERO HUSTLER, KONTING EMOTE, NAKAKAHUTHOT SA M

  • Erlinda Rapadas T.
  • Aug 23, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

MEDYO nananahimik na ang mundo ngayon ng isang dating sexy star na kinabaliwan noon ng mga kalalakihan.

Marami siyang celebrities na naka­re­lasyon, merong mga pulitiko at bas­ketball stars. At usap-usapan din sa showbiz circle ang short-lived relation­ship niya sa isang pamosong sports­man-politician.

Simpleng-simpleng dumiskarte at mag-flirt ang magandang sexy star kapag type niya ang isang guy, pa-sweet at painosente ang kanyang peg. Hindi mo talaga aakalain na beterana na siya sa pakiki­pagre­lasyon.

Napapaniwala niya ang mga lalaki na seryoso siya sa pakikipagrelasyon. At pang-Best Actress ang akting niya kapag nag-e-emote siya sa mga lalaking nabihag ng kanyang kagandahan. Kaya naman, living in style, nakakapag-travel at nakakapagnegosyo ang sexy star na ang sponsors ay ang kanyang mga “papa”.

Bonggacious kung siya ay regaluhan ng dalawa sa pinakasikat na male celebrities na kanyang nakarelasyon. Kaya naman kapag may isyung ibinabato sa sexy star, naaalala niya ang dalawang sikat na personalities — isang big, big star at isang super-sikat na sportsman/politician.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page