top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alam na si Gerald ang nasa puso… Joshua, hindi na kayang maging sweet kay Julia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 1 min read

IKINUKUMPARA ang pagkabuwag ngayon ng JoshLia love team sa sinapit ng AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Malakas ang suporta ng AlDub fans sa tambalang inidolo nila. Tinutukan nila ang programa at pelikula ng AlDub at dahil popular ang tandem, marami ring product endorsements sina Alden at Maine na magkasama.

Hanggang sa naiba ang direksiyon ng mga pangyayari sa pagbubunyag ni Maine na wala silang relasyon ng Pambansang Bae at magkaibi­gan lang in real life, kung saan mara­ming fans ang nadismaya at na-frustrate.

Hanggang sa ilantad at aminin ni Yaya Dub na ang aktor na si Arjo Atayde ang kanyang boyfriend in real life. Kaya mahirap nang paniwalain na okey pa ang AlDub love team.

Ganu’n din ang sitwasyon ngayon nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Kung minahal at sinuportahan ang JoshLia ng kanilang mga tagahanga dahil naging magkarelasyon naman ang dalawa, sa pag-eksena ni Gerald Anderson ay naiba na ang sitwasyon.

Isang malaking “palabas,” “drama” at “pagkukun­wari” kung magiging sweet pa rin sa isa’t isa sina Jo­­shua at Julia dahil lang sa may movie silang ipo-promote na sila ang magkasama.

Maiilang na tiyak si Joshua na maging sweet pa kay Julia dahil alam niya na si Gerald na ang nasa puso ng dating GF.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page