top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pati linya, kuhang-kuya… MOVIE NINA KATHRYN AT ALDEN, GINAYA LANG SA PELIKULA NINA NORA AT BEMBOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2019
  • 2 min read

KAYA pala hindi si James Reid ang partner ni Nadine Lustre sa pelikulang Indak ng Viva Films ay dahil balitang lumayas na ito sa poder ng movie outfit at mismong ang erpat na raw ng aktor ang nagma-manage sa showbiz career niya ngayon.

May balita pang from Viva Films ay ililipat na raw ng erpat si James sa Kapuso Network at ipa-partner na sa iba. Sey mo, Nadine? Mawawala na nga ba ang JaDine tandem?

But wait lang, just asking… eh, kung sa GMA Network na nga ililipat si James Reid, bakit naging isa siya sa mga judges sa katatapos lang na Idol Philippines ng ABS-CBN Network?

Pero siguro, walang bagong offer na project ang Dos kay James at wala namang bagay na Kapamilya female star sa aktor na pupuwedeng maging ka-love team niya. So, puwedeng ‘yun ang isa sa mga reasons.

At lalong hindi puwedeng maging ka-tandem niya si Kathryn Bernardo, ‘noh! Baka maging Andres Bonifacio a-tapang a-tao ang syota in reel and even in real life ni Kathryn na si Daniel Padilla lalo’t nag­paubaya na nga itech kay Alden Richards na maka-partner ang labs of his life sa peli­kulang Hello, Love, Goodbye.

And talking about the movie Hello, Love, Goodbye, isang Noranian named Lito ang nag-text sa amin na ginaya lang daw nina Alden at Kathryn ang pelikulang Merika ni Nora Aunor na ang tema ng istorya ay about OFW din.

“Pati linya at dialogue na paalaman nina Ate Guy at Bem­bol ay ginaya nina Kath at Alden. Sa lahat ng OFW stories, ang Merika pa rin ni Ate Guy ang pinakamaganda!” hirit na sey pa ni ever Noranian Lito.

Hindi naman right ang sa­litang “ginaya,” Lito. Nagka­taon lang na about OFW ang tema ng istorya ng Hello, Love, Goodbye at ang Meri­ka nina Superstar Nora Aunor at Bembol Roco, in pernes. Or puwede rin sigurong sabihin na younger version nina Ate Guy at Bembol sina Kathryn at Al­den sa ngayong generation, boom, ganern!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page