Pag-iyak sa panaginip, nagpapakita ng kahinaan sa problema
- BULGAR

- Aug 22, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jo Azur ng Jo_Eximane@facebook.com
Dear Professor,
Gusto ko sanang malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nanaginip ako na namatay ang mama ko at iyak ako nang iyak kaya nagdasal ako agad. Ayaw kong mangyari ‘yun dahil mahal na mahal ko siya.
Naghihintay,
Jo Azur
Sa iyo Jo Azur,
Ang nanaginip na iyak nang iyak ay nagtatapang-tapangan sa tunay na buhay. Ayaw niyang tanggapin na siya ay mahina at gusto niyang makita ng mga kakilala niya na siya ay malakas.
Maraming tao ang ganyan, iha, nagkukunwari, pero ang totoo, siya ay nasa malungkot na sitwasyon. Gayundin, sobrang bigat ng problema niya kaya pilit niyang kinakaya dahil ayaw niyang makita ng iba na siya ay mahina.
Pero, dahil binigyan tayo ng kakayahang managinip ng ganu’ng masaklap na kalagayan, tiyak na ang tao ay iiyak sa kanyang panaginip.
Minsan, mahirap maunawaan ang katotohanan, pero ito ay nangyayari kahit hindi maunawaan o pinaniwalaan.
Simple lang ang sagot kung bakit nananaginip ang tao. Ito ay dahil ang mga panaginip ay nagpapahayag ng needs, desires at wishes ng mga tao.
Nabasa mo ba ang una, ang ‘needs’? Ito ay nagbibigay-diin na kailangan mong umiyak ngayon.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments