top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ngayong pumasok sa Navy… SIGAW NG NETIZENS: ROCCO, NAGPAPAPANSIN LANG SA MGA CHICKS AT PA-MACHO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2019
  • 1 min read

BAGAMA’T si Matteo Guidicelli ang naunang pumasok at nag-training sa Army na sinundan ni Gerald Anderson, mukhang na-inspire rin si Rocco Nacino nang magdaan sa training ng Descendants of the Sun kaya nag-enlist na siya sa Navy ngayon.

Bagama’t mahirap ang physical training na pinagdaanan ni Rocco kasama ang iba pang cast ng DOTS, ibang klaseng fulfillment ang naramdaman niya. Nabigyan niya ng importansiya ang mga hirap na dinaranas ng mga men in uniform. Mga bayani silang maituturing.

May mga netizens naman na sinabing papogi lang ang gina­wang pag-e-enlist ni Rocco sa Navy. Papansin lang daw ito para plus factor niya sa mga chicks. Hindi naman daw seseryosohin ni Rocco ang pagiging sundalo. Nakikiuso lang daw siya para masabing macho.

But in fairness kay Rocco, mukhang sinsero naman siya sa kanyang layunin na makapag­bigay ng serbisyo bilang isang Navy reservist.

Malaking challenge ito sa kanyang kakayahan at malayo sa nararanasan niya bilang artista. At kahit papaano, gusto niyang maka­engganyo rin ng mga kaba­taan upang pumasok at mag-training sa Army at bilang mga celebrity, mas madali silang maka­kakumbinse.

Ang pagpasok sa Army ay isang noble job at itinuturing na silang mga bayani na nagbubuwis ng buhay para sa ating bansa. For sure, magsusunuran na rin na mag-training as reservist ang iba pang young actors ngayon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page