top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

FIBA: GILAS FINAL 12 ABANGAN SA LINGGO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 22, 2019
2 min read

MALALAMAN na ang 12-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa Linggo matapos ang magiging laro ng team para sa tune-up game laban sa Adelaide 36ers. Kinumpirma ito ni Coach Yeng Guiao sa isang press conference kahapon sa Meralco Multi Purpose Hall.

Samantala, kailangan nang makahabol sa estilo ng ensayo ng kanilang mga teammates sina June Mar Fajardo, Troy Rosario at Roger Pogoy sa pagsalang sa praktis ng Gilas Pilipinas araw-araw mula ngayon bagama’t, patang-pata pa ang kanilang katawan sa nagdaang PBA Commissioner’s Cup title series sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT KaTropa.

Gumawa ng iskedyul si national coach Yeng Guiao ng pang-araw-araw na 30-minute workout, eksklusibo para lamang sa tatlong players na lumabas sa PBA.ph bago pa ang team practice sa Meralco Gym upang mas madali silang makagamay sa mga pagbabagong ginawa sa plays at patterns ng laro.

Bagama’t ang bagong sets ay hindi komplikado, nais ni Guiao na makagamay na sa sistema sina Fajardo, Pogoy at Troy sa lalong madaling panahon dahil isang linggo na lang ang nalalabi bago sila umalis patungong Foshan, China para sa pagsabak sa FIBA World Cup sa Agosto 31 at unang makakasagupa ang Italya.

“Matagal na naming hinihintay. The rest of the guys are fluid with the system, these three guys have some catching up to do. Kailangang makahabol,” ani Guiao noong Martes matapos ang praktis. Idinagdag pa ng national coach na binago ang ilang patterns ng Gilas matapos ang 10-day training camp sa Spain na hindi nadaluhan nina Troy, Pogoy at Fajardo dahil sa laro nila sa PBA.

“They actually know most of the sets already, but we made some adjustments from Spain, and also based on the scouting report and the video that we already have. Na-adjust lang natin ‘yung patterns natin,” aniya. “It’s different from the patterns they were running before we went to Spain, kasi hindi naman sila nakasama sa Spain. So, meron talagang pagkakaiba ng kaunti.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page