top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Buking! BAGONG GF NI BENJAMIN, GALING NA KAY CLINT BONDAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

ANG galing mag-investigate ng mga netizens dahil nakilala agad nilang ang GF ni Benjamin Alves ngayon na si Chelsea Robato ay ang minsang naka-movie date ni Clint Bondad sa premiere night ng pelikula dati ni Tom Rodriguez. Hindi namin maalala ang title ng movie pero naalala nga naming may ka-date si Clint nang dumalo sa premiere night and that time, hindi agad siya nakilala.

Hindi na nasundan ang sightings kina Clint at Chelsea dahil ibang girls na ang nakikitang kasama ni Clint. Si Chelsea naman, the next time nabanggit ang pangalan ay kay Benjamin na nali-link at ngayon nga ay GF na.

Siguro naman, alam ni Benjamin na lumabas na dati sina Clint at Chelsea at walang isyu ‘yun dahil that time, wala pang relasyon sina Benjamin at Chelsea. Ngayon, parang lagi nang magkasama ang leading man ni Sanya Lopez sa Dahil sa Pag-ibig at si Chelsea.

Napapansin nga ng mga netizens na very open si Benjamin sa relasyon nila ni Chelsea, kabaligtaran noong sila pa ni Julie Anne San Jose na kahit spotted na sa maraming lugar, hindi pa rin umaamin.

Saka lang sila umamin noong malapit na silang mag-break.

Samantala, may mga viewers ng Dahil sa Pag-ibig na mas gusto si Gary (Pancho Magno) na makatuluyan ni Mariel (Sanya Lopez) kesa sa mister nitong si Eldon (Benjamin). Mas may balls daw kasi si Gary kesa kay Eldon at mas mahal nito ang babaeng kani­lang pinag-aagawan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page