Aktor, ngayong level-up na… SIGAW NG FANS: ALDEN, 'WAG MO NANG BALIKAN ANG PABEBE LOVE TEAM N
- BULGAR

- Aug 22, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NAGKAKAGULO sa Twitter world kahapon (Miyerkules) dahil pinagtatalunan ng mga netizens kung dapat bang magsama at magkaroon ulit ng movie sina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang AlDub love team.
Ang mga loyal AlDub fans ay todo-tweet na miss na miss na nilang makitang magkasama ang phenomenal love team ng Kapuso Network at nilagyan ang mga mensahe nila ng #YesNaYesToAlDubMovie.
Sa kabilang banda, trending din ang #NoToAlDubMovie na mga tweets ng mga hindi pabor sa pagsasama nina Alden at Maine.
Sey ng mga netizens, napatunayan na ni Alden ang galing niya bilang actor sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo kaya hindi na niya kailangan pang bumalik sa “pabebe” love team nilang AlDub.
“No to pabebe movies dahil sayang ang talent ni Alden,” komento naman ng ilan.
Marami rin ang nagsasabing mas gumanda ang takbo ng career ni Alden noong nahiwalay kay Maine kaya sana ay magtuluy-tuloy na ito.
“I agree! He deserves better! I thank God sa result ng HLG. It was a slap on their faces!!! TG and her management never considered what will happen to Alden’s career before. But I guess, God intervene to those who are faithful to him. @aldenrichards02 #NoToALDUBMovie,” hirit pa ng isang netizen.
“HLG was Alden’s biggest break, people saw him as an actor and not as someone who’s the counterpart of a pabebe love team. This proves how he deserves a better project compared to being paired up again with his past love team wherein some fans are really toxic. #NoToAldubMovie,” komento pa ng isang netizen.
Sa ngayon, wish ng mga netizens na sana’y magkaroon ng follow-up ang pelikula nina Alden at Kathryn dahil sa galing na ipinakita nila sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye.





Comments