top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 NEW SCHOOLS, MASUSUBOK SA PAGSAGUPA SA 9TH UCSAA

A. Servinio
Aug 22, 2019
1 min read

MAS pinalaki at maningning na ika-9 na taon ng Universities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) ang magbubukas ngayong Agosto 30 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City tampok ang 8 paaralan na handang ipakita ang kanilang husay sa basketball, volleyball, badminton, table tennis at chess. Inilatag ng mga kinatawan ng mga kasaling paaralan ang kanilang mga plano sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila noong Martes.

Ayon sa bagong talagang UCSAA Executive Director Harlem Ruiz, ang liga ay kasalukuyang nagpapalakas sa pagtanggap nito ng mga bagong kasapi. Ang season host St. Dominic Savio College, First City Providential College at Don Bosco Technical College-Mandaluyong ay maglalaro kontra sa mga baguhang AMA University, STI College, World Citi Colleges-Aeronautical and Technological College at Saint Felicity College. Sumasang-ayon ang mga coach na ang Saint Dominic Savio at AMA ang maagang paborito dahil sa karanasan nila sa PBA D-League subalit, hindi magpapahuli ang matangkad na koponan ng STI at ang First City na nais ulitin ang tagumpay sa Juniors Division sa Seniors Division.

Nakalista si Andre Paras sa koponan ng AMA at ang 6’4" na sentro at artista ang nakikitang mukha ng UCSAA. Subalit, maraming mga hindi pa tanyag na pangalan ang tiyak na magpapapansin at magpapakita ng kanilang husay. Si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang dadalo sa pagbukas ng liga. Isa pang sorpresang pangalan mula sa mundo ng palakasan ang itinatayang dadating upang bigyan ng saya at inspirasyon ang mga mag-aaral na atleta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page