Uy, mali 'yan! Rurupok ang relasyon n'yo niyan… AKTRES, SOBRANG SELOSA, BINASAG SA HARAP NG
- Nitz Miralles
- Aug 21, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
SELOSA pala ang actress GF ng isang actor dahil nagselos ito nang malamang niregaluhan ang boyfriend niya ng isa pang actress na nakasa¬ma nito sa pelikula. Hindi na nito pina¬king¬gan ang paliwanag ng BF na friendship gift lang ang sunglasses na ibinigay sa kanya.
Nang malamang niregaluhan ang BF ng salamin, hiningi niya ito dahil gusto raw niyang makita. Pero nang mahawakan na, hindi nakapagpigil at sinira ang regalo. Wala nang nagawa ang actor kundi tingnan habang sinisira ng GF ang regalo sa kanya ng nakaparehang actress.
Hindi na bago ang mga ganitong kuwento sa pagiging selosa ng actress dahil kahit sa ex-BF nito, selosa rin siya. Inaway niya ang ex-BF nu’ng nalamang may kinausap ito at sobrang pinagselosan ang isa pang actress na nakasama ng ex sa isang show.





Comments