PACMAN: GINAMIT AKO NI FLOYD!

TANGING panggagamit lamang sa pangalan ni Pinoy boxing champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang ginawa ni Floyd ‘Money’ Mayweather Jr. upang kumita nang limpak-limpak na dolyar.
Tulad na lang pagpapakalat ng video sa social media ni Floyd na 8 na buwan na pala niyang ginawa upang pagkakitaan at pinabulaanan niyang wala namang katotohanan na nais niya ng rematch. “Looks like @FloydMayweather is using my name again to get himself some attention. #FunnyMoney,” sambit ni Pacquiao sa kanyang social media account hinggil sa video.
Napag-alaman na ang naturang video ay pinagkakitaan pa ni Mayweather ng halagang $2.2 milyong dolyar na siyang ikinatuwa niya dahil inudyukan lang siya ng isang prominenteng negosyante na gawin ang nakakalokong anunsiyo na maging ang media ay naniwala dahil wala namang time element ang video at natuklasang not for public consumption lang at ginamit lamang niya para magkapera maging sa promosyon ng kanyang mga boksingero na may mga nakatakda ring laban sa bansang Saudi Arabia. “I got paid $2,200,000 to make the video. The truth is, the fight will never happen again,” pag-amin ni Mayweather, at noong Enero pa umano ang naturang video. “Now, who’s the smart one? I’m making millions just for 10 seconds video drops,” ngingisi-ngising pahayag ni Floyd.
Pinagtawanan ng 42-anyos na mamang itim ang mga ulat at kasunod nito ay pinasinungalingan ang pagkakaroon ng usapan para sa ikalawang laban ng dalawang world class fighters na niluluto niya sa Saudi Arabia. Inesplika niya sa kanyang Instagram account mula sa paglilinaw sa FightHype.com na promosyon lang daw ng pagpunta niya sa nabanggit na bansa ang pagkakagawa ng video.
“I talked to them about me fighting there, just different fights, but they wanted me to specifically say Manny Pacquiao. And Actually, we didn’t just talk about boxing, we talked about different events, us bringing events out there,” ani Mayweather. “Basically, that’s an old video. At the end of the day, there’s no talks about me and Manny Pacquiao fighting a rematch. Even if we did fight, all they’re going to do is have an excuse, just like the first time,” dagdag pa ng nakakalokong ‘retired boxer.’ Bumanat pa ulit si Floyd kay Pacman tungkol sa shoulder injury na natamo ng Pinoy noong Mayo 2, 2015 sa ‘Battle for Greatness’ nila sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan umabot sa $300M ang kinita ng mamang itim sa panalo kay Pacman.
“The first time, you know, he can raise his hand after the fight is over, then all of a sudden, his shoulder is messed up excuse after excuse, you know what I’m saying. A real champion, you know, he takes his wins like a man and he takes his loses like a man. But as far as me and Manny Pacquiao, as right now, it will never be a rematch,” pahayag ni Mayweather.





Comments