Mapait na dugo Ni: Ronalyn Seminiano Reonico
- BULGAR

- Aug 21, 2019
- 1 min read

Masamang dugo, palaging nadarama.
Noo’y pagmamahalang hindi maapula.
Tingnan mo ang resulta ng iyong ginawa, puso’y tila naging manhid at nagsawa.
Ika’y hindi kinamumuhian o kinapopootan.
Puso’y nasasaktan lamang sa mga usapan, walang katapusang kritisismo at bulungan.
Salitang nagpupuno sa isip ng kaguluhan.
Bawat pintig ng maitim na puso, nilalapatan ng malalakas na tono.
Darating ang panahong ika’y mabubura,
pangalan mo’y malilimot, bawat letra.
Hindi lahat ng problema ay may solusyon.
Sobrang lalim na hiwa sa puso, iyong ibinaon.
Pantapal sa malalim na sugat ay hindi sapat,
para sa bawat bala ng baril na iyong inilapat.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments