top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lumayas sa Viva, love team nila ni Nadine, buwag na rin… JAMES, 'DI PA KA-LEVEL SI DANIEL, FEELI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

WRONG movc raw ang ginawang pagpapa-release ni James Reid ng kanyang contract sa Viva Artists Agency unless may siguradong sasalo sa kanya tulad ng GMA Network o Star Cinema. Lalo na ngayong binuwag na ang tambalan nila ni Nadine Lustre, ang JaDine love team.

Hindi pa nga nila gaanong nararating ang peak ng tagumpay bilang JaDine tandem, eh, naghiwalay na sila. Tapos, heto at iiwan na rin nang tuluyan ni James ang unang sumugal at nagpasikat sa kanya.

Ganu’n na ba kabilib sa sarili si James? Porke ba marami na siyang product endorsements, eh, guarantee na ito upang sabihing sikat na sikat na siya? Eh, kung sa aktingan naman ay hindi pa nga niya mapantayan si Daniel Padilla.

Kailangang may mapatunayan muna si James upang tumagal ang kanyang showbiz career. Maraming guwapong young actors ngayon na pagpipilian.

At kung sa showbiz pa rin niya gustong luminya, dapat ay handa siyang ha­rapin ang panghuhusga sa kanya ng publiko. Bukod sa talent at artista look, nararapat lang sa isang artista ang marunong maki­sama at maging professional sa trabaho. Hindi sa lahat ng panahon ay VIP ang treatment sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page