top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

'Di na raw kailangan ang CR para sa mga bading at tibo, Vice… SIGAW NI PAOLO: DAPAT KAHIT SAAN P

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

PINAG-USAPAN sa media launch ng The Panti Sisters ang naging kon­trobersiyal na isyu ng nasaktan na member ng LGBTQ+ community na si Gretchen Diez matapos siyang hindi papasukin at hindi pagamitin sa pambabaeng CR sa isang mall sa Quezon City at kinaladkad at pino­sasan pa raw.

Nagbigay ng kani-kanyang opinion ang mga bida ng The Panti Sisters sa pangunguna nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

Pagkatapos ay ipinakita namin kay Paolo ang headline ng Bulgar kahapon kung saan nakalagay ang balitang aprubado ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng sariling CR ng LGBTQ+ members.

Kinuha namin ang opinyon ni Paolo tungkol sa balitang ito after ng presscon ng The Panti Sisters na ipa­palabas na nationwide sa September 13.

Eh, di I think happy news dahil para mas makokontrol ang emosyon ng mga tao, ‘di ba?

“Well, personally for me, dapat kahit saan, puwede, eh. Kahit saan mo gusto, puwede. Pero kung para sa mas nakararami, kung eto ang mas okey, eh, di very good,” pahayag ni Paolo.

Tinanong din namin si Paolo kung saan ba siya pumapasok na comfort room, at sinagot naman niya ako ng, “Secret.”

Ang The Panti Sisters ay mula sa direksiyon ni Jun Lana na ipinrodyus ng IdeaFirst Company nina Direk Jun at direktor ding si Perci Intalan. Co-producer din nila sa movie ang Black­sheep at Quantum Films.

Kasama rin sa The Panti Sisters sina John Arcilla, Rosanna Roces, Roxanne Barcelo, Via Antonio, Ali Forbes, Joross Gamboa at Carmi Martin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page