top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 NPA, sumuko

Pabs Hernandez III
Aug 21, 2019
1 min read

ZAMBALES—Sumuko ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa provincial headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Iba.

Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang sumukong rebelde na sa ngayon ay pawang isinasailalim sa taktikal na interogasyon.

Nabatid na isinuko rin ng mga NPA ang dala nilang mga armas at mga subersibong dokumento.

Ayon sa dalawang sumukong NPA, nais na umano nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page