top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

UST, RUNNER-UP SA NBA 5V5 SA CHINA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2019
  • 1 min read

SANHI ng pagod na dulot ng pagsabak sa magkasunod na laro sa loob ng apat na oras, bigo ang University of Santo Tomas na makopo ang titulo ng 2019 NBA 5v5 na idinaos sa Oriental Pearl Radio & TV Tower sa Shanghai, China.

Natalo ang Growling Tigers sa mas nakapagpahingang Zhongtian Qilin Society, 67-86, sa finals ng torneo noong Linggo ng gabi, ilang minuto pagkaraan ng naging panalo nila sa semifinals upang tumapos na runner-up sa dalawang araw na torneo na nilahukan ng mga pangunahing amateur teams sa China, Hong Kong, South Korea, at Japan.

Hindi kaparis ng kanilang nakatunggali na nakapahinga ng tatlong oras bago sumabak sa finals, nahirapang makipagsabayan ang Tigers sa ZQS kumpara sa nauna nilang panalo kontra DK Basketball at Dispatch.

Pinakamalapit nilang inabot ay nang matapyas nila hanggang pitong puntos ang lamang ng ZQS sa iskor na 55-62, may 4:27 pang nalalabi sa laro matapos ang 3-pointer ni skipper CJ Cansino. Mula roon, rumatsada ng 23-10 run ang ZQS upang selyuhan ang panalo at maiuwi ang premyong RMB 500,000.

Namuno para sa Tigers si Soulemane Chabi Yo na bigong umiskor sa fourth period sa ipinoste nitong 21 puntos at 15 rebounds. Kasama nila sa sumabak na 10-man UST team ay sina Rhenz Abando, Mark Nonoy, Renzo Subido, Brent Paraiso, Enrique Caunan, Zachy Huang, Deo Cuajao, at Ira Bataller. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page