top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SBU VS. LPU, PANGMALAKASAN; CSB AT ALTAS, BIDA SA CHESS

A. Servinio
Aug 20, 2019
2 min read

MAGTATAPAT muli sa unang pagkakataon ang defending champion San Beda University at ang koponang tinalo nila para sa korona noong 2018, ang Lyceum of the Philippines University, sa tampok na laro ngayong Martes sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre simula 4:00 p.m. Bago iyan, magsusubukan ang San Sebastian College at Colegio de San Juan de Letran sa ganap na alas-12:00 ng tanghali na susundan ng tapatan ng Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help System-Dalta sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Ang Red Lions (6-0) ang nalalabing paaralan na walang talo ngayong 2019 matapos patumbahin ng Lyceum (6-1) ang College of Saint Benilde (5-1) noong Biyernes, 74-71, para sa una nitong pagkabigo. Namuno sa panalo sina Jaycee Marcelino na may 23 puntos at Mike Harry Nzeusseu na may 17 puntos at 16 rebounds at sila muli ang aasahang bubuhat sa Pirates kontra sa mga kampeon.

Haharapin ng SSC (2-3) ang bigating Letran (5-2) nang wala si Coach Edgar Macaraya matapos masuspinde ng liga ng isang laro dahil sa unsportsmanlike conduct. Dahil dito, kailangang mag-doble kayod ng Stags lalo na sina RK Ilagan at Allyn Bulanadi kontra sa Knights.

Hindi rin uupo ngayong araw si Coach Frankie Lim ng UPHSD (2-5) matapos magpasiya ang pamunuan ng paaralan na pansamantalang ipahawak kay assistant coach Michael Saguiguit ang Altas. Ang kanilang makalalarong EAC Generals (1-6) ay gagawin ang lahat para makaangat sa pinakailalim ng liga bago matapos ang unang round ng elimination.

Samantala, hinirang si Paolo Hernandez ng Mapua University bilang NCAA Player of the Week matapos dalhin ang Cardinals sa tatlong panalo laban sa Arellano University (73-64), EAC (76-66) at Jose Rizal University (83-63). Nagtala si Hernandez ng average na 15.0 puntos at 5.0 rebounds sa mga nasabing laro para sa lingguhang karangalan.

Nagbukas din ang aksiyon sa NCAA Chess at agad kinuha ng defending champion Saint Benilde ang maagang lamang matapos talunin ang EAC, 4-0, at sinundan ito ng 3-1 na tagumpay sa Lyceum para sa pitong puntos. Pumapangalawa sa Blazers ang UPHSD na may 5.5 puntos at pangatlo ang Letran na may 4.5 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page