Rider na sangkot sa murder, tiklo
AKLAN—Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng meat vendor sa Bgy. Jalas, New Washington.
Ito ay kasunod sa pag-aresto sa isa sa dalawang suspek na pumaslang sa biktimang si Roljun Tejada, residente ng naturang barangay.
Hindi muna pinangalanan ng awtoridad ang suspek.
Ayon sa ulat, isang saksi ang kumilala sa suspek na ito ang driver ng motorsiklo na kinalululanan ng lalaking bumaril at nakapatay sa biktima.
Samantala, nagpalabas na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang gunman na pumatay sa biktima.





Comments