Dahil ghost month… KRIS, HINAHABOL NG KAMALASAN
- BULGAR

- Aug 20, 2019
- 1 min read

HINDI pa tapos ang indulto ni Kris Aquino at mukhang inaalat siya at hinahabol ng mga nega vibes na dala ng Ghost Month ng Agosto.
Nang makumpirma na gagawin niya ang K(Ampon) movie with Derek Ramsay, nakiusap siya kay Atty. Joji Alonso na palipasin muna ang Ghost Month bago siya mag-start ng shooting. Pero hindi na nasunod dahil may deadline ang MMFF 2019 committee.
Nakadagdag pa ng problema ang pag-back-out ni Derek sa project dahil hindi kaya ng hectic schedule niya ang pagsu-shooting ng K(Ampon) movie. Three times a week ang teyping niya ng seryeng The Better Woman, plus may commitments din siya sa mga sports competition na kanyang sinasalihan.
No choice ang Quantum Films kundi kumuha ng replacement ni Derek at si Gabby Concepcion na nga ang sumagip sa project. Ang siste, dahil sa late na ang pag-abiso sa MMFF 2019 Committee sa pagpapalit ng cast ng K(Ampon) movie, na-out na ito bilang entry sa filmfest, kaya shocked si Kris sa nangyari.
Sadyang hinahabol ng kamalasan si Kristeta, but hopefully, makabawi siya pagpasok ng September at October.





Comments