BFF, hindi masabihang dapat nang magpapayat dahil ayaw ma-offend

Dear Roma, Ako si Mae, may kaibigan akong mataba at gustung-gusto niyang pumayat, pero sobrang takaw niya at nai-insecure siya sa mga nakikita niyang payat. Best- friend ko siya, kaya nahihirapan akong ipa-realize sa kanya na sobrang taba niya. Tuwing nagbabalak siyang magdiyeta, eh, hindi naman niya ito nagagawa. Paano ko ba siya mababago nang hindi ko siya mao-offend? — Mae
Mae, Hindi madali para sa mga chubby ang magpapayat tulad ng hirap na nararanasan ng mapapayat para tumaba, ngunit, maraming paraan para pumayat. Kung nagkakaroon siya ng negatibong ugali dahil sa insecurity, makatutulong kung kakausapin mo siya tungkol dito. Maganda rin kung manonood kayong dalawa ng mga palabas tulad ng 100 Pounds of Beauty at marami pang iba at saka mo sa kanya i-open ang problema. ‘Yun lang, sana ay makatulong ang ating suhestiyon. God bless!





Comments