top of page
Pokwang.jpg

Bebot, dinedbol ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Aug 20, 2019
1 min read

BACOLOD CITY—Pinagbabaril ang isang babae hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Magsaysay Avenue.

Ang biktima ay nakilalang si Crystal Faith Jastiva, tubong-Bago City, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, habang naglalakad si Jastiva sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page