top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PLAYOFF SPOT, SINISILIP NG MARINERO SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2019
1 min read

MAKASIGURO ng playoff spot ang tatangkain ng Marinerong Pilipino sa pagsalang nila ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Makakatunggali ng Skippers sa ikalawang laro ng 3:30 p.m. ang Asia’s Lashes Tomas Morato (2-1) pagkatapos ng unang salpukan ng 1:30 p.m. sa pagitan ng Technological Institute of the Philippines at ng Alberei.

Nakinabang ang Skippers sa biglaang withdrawal ng koponang Nailtalk-St. Dominic Savio kaya patas na sila ngayon ng Centro Escolar University sa liderato hawak ang 3-0 kartada sa Group A.

Huli nilang tinalo sa pamumuno nina Eloy Poligrates , JR Alabanza at forward Jhonard Clarito, ang AMA Online Education , 91-82 noong Agosto 8.

Gayunman, naniniwala si coach Yong Garcia na marami pa silang dapat na iangat sa kanilang laro. “Marami pa kaming dapat ayusin dahil yung chemistry talaga ang key para sa amin.”

Makasiguro ng isa sa top 2 spot sa Group B ang target ng Technological Institute of the Philippines sa pagsabak nito kontra cellar-dweller Alberei sa huling laro nila sa eliminations upang makatiyak ng twice-to-beat advantage patungo sa quarterfinals.

May duda pa rin kung makakalaro na sa TIP si Senegalese big man Papa Ndiaye na nagpapagaling ng hamstring injury. Samantala sa tampok na laro, magtutuos ang Hyperwash (1-2) at McDavid-La Salle Araneta (0-2) ganap na 5:30 p.m. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page