Pang-buong pamilya 'to! ‘PINAS PUWEDE NANG LIBUTIN NG 2 ORAS SA LAKBAY-MUSEO
Bulgarific

NAPAKAHIRAP talagang maglaan ng oras para i-treat ang sarili at makapasyal. Bukod sa kulang sa budget ay walang oras para libutin ang buong Pilipinas. Pero, knows n’yo ba, mga besh, na sa loob lamang ng dalawang oras ay malilibot mo na ang buong Pilipinas?
Yes, you read it right!
Sa presyong Php 699 (online rate) ay malilibot at mararanasan mo na ang bawat kultura ng ating bansa. Ang Lakbay Museo ay matatagpuan sa G/F S Maison, Conrad Manila, Mall of Asia Complex.
Bagay na bagay ngayong Buwan ng Wika ang museo na ito para ma-experience natin ang 14 unique places dito tulad ng iconic “lava walk”, balancing palayok at marami pang iba! Pagpasok pa lamang sa loob ng museo ay bibigyan na tayo ng 12 chips na maaari nating ipambayad sa loob. Yes, mga besh, maaari tayong makakuha ng halos 12 freebies dahil dito!

Bukod pa rito, perfect din ito sa field trip nina bagets dahil sa puppet show. Hindi lang ‘yan, mararanasan din natin dito ang coffee smelling, food tasting, textile touching, cultural show at siyempre, i-ready na ang ating camera dahil marami ritong bagay na Instagrammable!
Ito ay bukas mula alas-10:00 am hanggang alas-10:00 pm at ang huling tour ay magsisimula ng alas-9:00 pm. Maaaring bumili ng ticket online sa kanilang website sa halagang Php 699 lang, sulit na sulit na ang dalawang oras ninyo! Isama na ang buong barkada dahil kapag kayo ay umabot sa 10 pax, may discount pa! Hindi lang ‘yan, mga besh, isama na rin sina lolo at lola dahil magagamit nila rito ang kanilang senior citizen discount!

Wait, there’s more, mga besh, dahil maaari rin itong maging venue sa ating birthday, baptismal at kahit ang team building ng kumpanya! Rito, mae-experience natin ang giant pabitin, tinikling dance challenge, unique photo shoot sa loob ng Mayon Volcano at marami pang iba!
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga besh, mag-book na at bisitahin ang kanilang website sa www.lakbaymuseo.ph/ at i-share sa amin ang inyong mga picture gamit ang #LakbayMuseo. See ya!

Photo Credits to WhenInManila.com
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments