Kumakain din ng pagkain ng tao... MGA PALATANDAAN NG GUARDIAN ANGEL
- BULGAR

- Aug 19, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Minthie ng Minthie_Minthie @facebook.com
Dear Señor,
Totoo ba na may mga anghel na ipinadadala rito sa lupa?
Ang sabi ng lola ko, may mga anghel na gumagabay sa tao na inutusan ni Lord para tulungan tayo.
Ano ba ang masasabi ninyo tungkol dito?
Naghihintay,
Minthie
Sa iyo Minthie,
Sabi rin ng lola ko, may mga anghel na galing sa langit na nagpupunta rito sa mundo para sa mga tao. Ang dami niyang alam tungkol sa mga anghel, kumbaga, maghapon siyang nagkukuwento, pero ang mga kuwento niya minsan ay mahirap paniwalaan.
Ang sabi ng mga tito ko, huwag namin siyang gaanong pansinin dahil sobrang matalino raw si lola. Alam mo, ang sabi ng lola ko, puwedeng matukoy o malaman kung ang kaharap mo ay anghel.
Narito at alamin natin:
Kakaiba ang kilos ng kanyang mga daliri at gumagalaw nang kusa kahit walang ginagawa o hindi kailangang galawin.
‘Yung binti niya ay ganundin, kumbaga, kakikitaan ng paggalaw.
Ang mga labi niya ay gumagalaw din kahit hindi nagsasalita o kahit tapos nang magsalita.
Gayundin ang kanyang mga tainga.
Kapag nagsasalita ay may sinasabi siyang hindi maintindihan ng pangkaraniwang tao.
Kung makatingin ay parang tagos sa katawan ng kanyang tinitingnan.
Malambot ang kutis.
May katangusan ang ilong.
Mahaba ang buhok at unat na unat.
Minsan, may liwanag sa batok.
Napakalakas, pero nakikita lang ang kanyang kakaibang lakas kapag kailangan.
Kapag lumalakad at nakabangga ang kanyang mga paa ay may liwanag na makikita.
Matulungin sa mga mahihina, may sakit, may sugat kahit ang mga ito ay hindi matitino.
Ang mga babaeng gabi na kung umuwi ay kanyang tinutulungan.
Kumakain din ang mga anghel ng pagkain ng tao.
Dagdag pa rito, ang sabi ng lola ko, may tatlong anghel na ipinadala si Lord para iligtas ang mga tao sa paggunaw ng mundo sa pamamagitan ng apoy.
Ang mga ito ay nakasulat sa Bibliya, kaya “read your Bible and see the truth!”
(Itutuloy)





Comments