Guro, tinodas ng armado
Pabs Hernandez III
Aug 19, 2019
1 min read
DAVAO DEL SUR — Isang guro ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa bayan ng Santa Cruz.
Kinilala ang biktima na si Felipe Niemes, Jr., residente ng Bgy. Zone 2, Digos City.
Ayon sa ulat, nakasakay si Niemes sa tricycle nang harangin ng suspek at agad pinagbabaril sa hindi malamang dahilan hanggang sa mapatay.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments