top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Beybi, nalunod sa ilog

  • Pabs Hernandez III
  • Aug 19, 2019
  • 1 min read

SOUTH COTABATO — Namatay ang isang batang lalaki nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Poblacion, Sto. Niño.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Anthony Pinol, isang taong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, nag-outing sa nasabing ilog ang pamilya Pinol, pero nalingat ang mga magulang ng bata kaya nang mapagawi sa malalim na bahagi ng ilog ay dito na nalunod ang biktima.

Kaagad sumaklolo ang mga kamag-anak ni Pinol at dinala ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page