top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 tulak, timbog sa drug-bust

Pabs Hernandez III
Aug 19, 2019
1 min read

CAMARINES SUR — Naaresto ang dalawang drug pushers sa isinagawang drug-bust operation ng mga tau­han ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Peñafrancia, Naga City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Renato Saulon at Jose Laurza, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan.

Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar at dito nadakip ang mga sus­pek na nakumpiskahan ng apat na sachets ng shabu at markadong pera.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page